Ano ang Conservatorship? (What is Conservatorship?) - YouTube

Channel: Superior Court of California, County of San Mateo

[8]
Darating ang araw na kakailanganin mong
[11]
tulungan ang isang mahal sa buhay
[13]
na wala ng kakayahang alagaan ang kanilang mga sarili.
[17]
May mga opsyon kang gawin ito.
[20]
Ang ilan ay di gaanong seryoso o pormal,
[24]
tulad ng iginawad na kapangyarihan bilang kinatawan
[27]
(power of attorney),
[29]
nauunang direktiba tungkol sa pangangalaga
[32]
ng kalusugan, o magkasamang account sa bangko.
[36]
Ngunit kung minsan kailangan mo ng mas pormal
[40]
na ligal na set up na tinatawag na conservatorship.
[44]
Ang conservatorship ay isang kaso sa korte
[47]
kung saan nagtatalaga ang hukom
[49]
ng isang responsableng nasa tamang gulang
[53]
(tinatawag na “conservator”)
[55]
para pangalagaan ang ibang nasa tamang gulang
[58]
(tinatawag na “conservatee”)
[61]
na wala ng kakayahang alagaan ang kanilang sarili
[65]
o pangasiwaan ang kanilang sariling pananalapi.
[68]
Para pangalagaan ang mga personal na pangangailangan
[72]
ng isang nasa tamang gulang tulad ng pagkain,
[76]
damit, kalusugan, at pamumuhay,
[79]
kailangan mo ng “conservatorship ng tao.”
[83]
Kung kailangan mong pangasiwaan ang pananalapi
[86]
ng isang nasa tamang gulang,
[88]
kailangan mo ng “conservatorship ng ari-arian.”
[92]
Maaari mong hilinging maging conservator
[95]
ng isang tao, conservator ng ari-arian,
[98]
o pareho.
[100]
Sino ang maaaring maging isang conservator?
[103]
Maaaring maging isang conservator ang asawa,
[107]
nasa tamang gulang na anak,
[109]
magulang o ibang kamag-anak, kaibigan,
[113]
ahensiya ng gobyerno o ng hindi kumikita samahan
[116]
o mga ibang tao na pinapahintulutan ng batas
[120]
na mag-alaga ng isang nasa tamang gulang.
[123]
Sa bawat kaso,
[125]
kailangang aprobahan ng korte ang conservatorship.
[129]
Anong uri ng mga conservatorship ang mayroon?
[132]
May tatlong uri ng conservatorship:
[135]
Ang pangkalahatang conservatorship,
[138]
Ang limitadong conservatorship,
[140]
o isang LPS conservatorship,
[143]
na tinatawag ring
[144]
conservatorship para sa mental na kalusugan
[147]
(mental health conservatorship).
[150]
Pag-usapan natin ng kaunti
[152]
kung ano ang kahulugan ng bawat isa:
[156]
Ang pangkalahatang conservatorship ang pinakamabuti
[160]
para sa isang taong hindi na mapapangalagaan
[163]
ang mga sarili nila o makakagawa
[166]
ng mga pinansiyal na desisyon.
[168]
Maaari ito para sa matatanda
[171]
na may malubhang dementia, halimbawa,
[174]
o maaari para sa isang taong malubhang naaksidente
[178]
na nagresulta na ganap na nawalan ng kakayahang
[181]
tugunan ang kanyang sariling pangangailangan.
[185]
Ang limitadong conservatorship
[187]
ay para tulungan ang isang nakakatanda
[190]
na may kapansanan habang lumalaki.
[193]
Dahil sa ang mga taong nagkaroon ng kapansanan
[197]
habang lumalaki ay karaniwang solong nakakagawa
[201]
ng maraming bagay, magbibigay lamang ang hukom
[204]
sa conservator ng limitadong kapangyarihan
[208]
para gumawa ng mga bagay-bagay
[210]
na hindi magagawa ng conservatee nang walang tulong.
[214]
Ang layunin ng limitadong conservatorship
[217]
ay para hayaan ang isang taong maging independiyente
[221]
hangga’t maaari.
[223]
Ang ikatlong uri ng conservatorship ay tinatawag na
[226]
conservatorship para sa mental na kalusugan,
[229]
o LPS conservatorship.
[232]
Ginagawa nitong responsable ang isang taong
[235]
para sa ibang taong nasuring may pagtikular
[238]
na malubhang mental na karamdaman.
[240]
Ang para sa mental na kalusugan
[243]
o LPS na conservatorship
[245]
ay maaaring maging napakakumplikado
[248]
kaya hindi natin matatalakay ang mga ito
[251]
sa video na ito.
[252]
Kung kailangan mo pa ng mas maraming impormasyon
[255]
tungkol sa mga LPS conservatorship,
[258]
makipag-usap sa isang abogadong humahawak
[261]
ng mga ganitong uri ng kaso.
[263]
Paano maging conservator.
[266]
Sa sandaling nagdesisyon kang maging conservator,
[270]
kailangan mong hilingin sa korte na italaga ka.
[273]
Maaari mo ring hilingin sa korte
[276]
na italaga ang ibang tao.
[278]
Maaari ring ang mismong posibleng conservatee
[281]
ang siyang hihiling sa korte na magtalaga
[284]
ng conservator para alagaan sila.
[287]
Kung gusto mong hilinging italaga ka
[289]
bilang conservator, may mga ilang hakbang
[292]
na kailangan mong gawin.
[294]
Ibibigay namin ang mga pangunahin,
[297]
ngunit isiping ibinibigay lang namin
[300]
ang pangkalahatang ideya ng proseso.
[303]
Una, kailangan mong maghain ng
[306]
Petition for Conservatorship
[308]
(Petisyon para sa Conservatorship) sa korte.
[311]
Sa iyong petisyon, kailangan mong ipaliwanag
[315]
kung bakit hindi na mapangalagaan
[317]
ng posibleng conservatee ang kanilang mga sarili
[320]
at kung bakit kailangang magtalaga ang korte
[323]
ng conservator.
[325]
Sa petisyon, kailangan mong sagutin ang mga tanong
[328]
tungkol sa iyong sarili,
[330]
tungkol sa posibleng conservatee,
[333]
at tungkol sa mga malalapit na kamag-anak
[335]
ng conservatee.
[337]
Kailangan mo ring sabihin kung bakit
[339]
ang ibang hindi masyadong malubhang opsyon
[342]
ay hindi maipapairal sa kasong ito.
[345]
Sa sandaling nasagot mo ang lahat ng tanong,
[348]
kailangan mong ihain ang petisyon sa county
[352]
kung saan nakatira ang posibleng conservatee,
[355]
ang taong gusto mong alagaan.
[358]
Ikalawa, kapag naghain ka ng iyong petisyon,
[362]
magtatakda ang clerk ng petsa ng pagdinig sa korte.
[366]
Bago ang petsa na ito sa korte,
[369]
kailangan mong ipaalam sa posibleng conservatee
[372]
at lahat ng mga malalapit na kamag-anak tungkol sa kaso
[376]
at petsa ng pagdinig sa korte.
[379]
Kailangan mong gawin ito sa tamang ligal na paraan,
[382]
na tinatawag na “pag-aabiso.”
[386]
Ikatlo, magtatalaga ng Tagapagsiyasat ng Korte
[390]
para sa kaso.
[391]
Bago ang petsa ng pagdinig sa korte:
[394]
Pribadong makikipagkita ang tagapagsiyasat
[397]
sa posibleng conservatee
[399]
para ipaliwanag kung paano mababago
[402]
ng conservatorship ang buhay ng conservatee.
[405]
Ilalarawan ng tagapagsiyasat ang proseso
[409]
at pagdinig sa korte, at sasabahin sa conservatee
[412]
ang tungkol sa kanilang mga karapatan—
[415]
para sabihin sa kanilang hindi nila kailangan ng conservator,
[419]
na may karapatan sila sa isang abogado
[422]
o ng ibang conservator, at marami pang iba.
[426]
Makikipag-usap rin sa iyo ang tagapagsiyasat,
[429]
at maaaring makipag-usap sa ibang tao na nakakaalam
[433]
sa sitwasyon at posibleng conservatee.
[436]
Pagkatapos ng pagsisiyasat,
[439]
susulat ang tagapagsiyasat ng report
[441]
para sa hukom.
[443]
Ikaapat,
[444]
bago ang iyong pakikipagkita sa hukom,
[447]
kailangan mong panoorin bilang posibleng conservator
[451]
ang 20-minuto na video,
[454]
basahin ang Handbook para sa mga Consevator,
[458]
o ang dalawa.
[459]
Ang dahilan ay gusto ng korte na
[461]
siguraduhing naiintindihan mo ang iyong magiging
[465]
mga tungkulin at resposibilidad bilang conservator.
[469]
At ikalima, sa pandinig sa korte,
[472]
titiyakin ng hukom na ang lahat
[475]
ng ligal na hakbang ay nasunod,
[477]
babasahin ang rekomendasyon ng tagapagsiyasat,
[481]
at gagawa ng desisyon.
[483]
Kung ipag-uutos ng hukom ang conservatorship,
[486]
itatalaga ka ng hukom bilang isang conservatorship.
[490]
Nangangahulugan itong aalagaan mo ang conservatee
[494]
sa mga paraang ipag-uutos ng korte.
[497]
Makakakuha ka ng ilang mahahalagang papeles
[501]
na nagsasaad kung paano ka pinapahintulutang
[504]
alagaan ang conservatee.
[506]
Ano ang susunod na mangyayari?
[509]
Sa isang taon,
[510]
pag-aaralan ng korte ang inyong kaso
[513]
para matiyak na nakakatugon ka
[515]
sa iyong mga responsibilidad bilang conservator.
[519]
Bago ang pagtasang pagdinig,
[521]
personal na makikipagpulong ang isang tagapagsiyasat
[525]
sa conservatee para matukoy kung kailangan pa rin
[529]
ng conservatee ng conservatorship
[531]
at tiyaking ang conservator ay kumikilos
[534]
para sa pina–ikabubuti ng conservatee.
[537]
Pagkalipas ng pagbisita sa unang taon,
[540]
bibisita ang tagapagsiyasat sa conservatee
[544]
tuwing 2 taon, o sindalas ng kailangan
[547]
ayon pananaw ng hukuman.
[549]
Kung sa tingin ng tagapagsiyasat ay may problema,
[553]
susulat sila ng report at hihilingin sa hukom na
[557]
magtalaga ng abogado para sa conservatee.
[561]
Sisimulan nito ang ligal na proseso
[564]
para tanggalin ka bilang conservator.
[567]
Kaya, tandaan na palaging gawin kung ano
[570]
ang ipinapagawa sa iyo ng korte
[572]
at seguruhing inaalagaan ang conservatee.
[576]
May mga tanong pa?
[578]
Para makakuha pa ng mga karagdagang impormasyon
[581]
tungkol sa mga conservatorship,
[583]
bumisita sa website ng inyong Superior Court,
[587]
lalong-lalo na ang seksyong Self-Help.
[590]
Ang Self-Help Center ng inyong korte
[593]
ay maaari ring personal na makatulong sa iyo,
[597]
ngunit tiyakin munang tumutulong sila
[599]
sa mga kaso ng conservatorship.
[602]
Mababasa mo ring ang Handbook for Conservators,
[605]
na makukuha sa
[606]
http://www.courts.ca.gov/documents/handbook.pdf.
[609]
Tandaan,
[610]
ang mga kaso ng conservatorship ay kumplikado.
[614]
Kung gusto mong magtanong tungkol sa conservatorship,
[617]
magandang ideya ang makipag-usap
[619]
sa isang abogadong dalubhasa sa mga kasong ito.